TAMANG PAGBABAGAHE
Dahil nagakakahigpitan po sa pagpapadala ng bagahe nirarapat po namin na magsend po muna ng declaration list (packing list) bago magpadala upang macheck kung pasok ito sa PERSONAL EFFECTS, walang BAWAL at lalabas na hindi PANG-BENTA.
2 copies po yung darating sa inyo sa fifill-upan po nila isang copy na ilalagay sa gilid nang box at isang copy po para sa inyo
Kailangan po ng my isang copy sa inyo dahil hindi po natin na maiiwasan na mahulog o mawala ang packing list na nakalagay sa box
Ang lahat po ng ipapadala ay para sa PERSONAL NA GAMIT LAMANG.
Bawal po ang mga bagay na PANG-BENTA AT MGA BAGAY NA NAKALISTA SA BANNED ITEMS
Tumatanggap po kami ng babasagin pero wala po kaming pananagutan kung magkaroon ng basag sa pinadalang gamit
Paki-ayos po ang pagbabalot ng mga babasagin
Lahat po ng mga liquid na ipapadala ay pakisiguradong selyado para maiwasang matapon sa loob ng kahon na magiging sanhi ng pagkasira at pagkabutas ng kahon
Bawal ang anumang UMBOK sa bagahe dahil magiging sanhi ito ng pagputok ng kahon at pagkakaroon ng butas
Wala pong limitasyon sa bigat ng bagahe subalit bigyan po natin ng konsiderasyon na isa lang po ang sagawa takyubin na pumipick-up ng bagahe